Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pag-iwas sa Sakuna > Pangunang Lunas
ここから本文です。
Update date:January 1, 2024
Tulungan ang nasaktan sa pamamagitan ng pangunang lunas. Mag-aral ng ilang mga simple ngunit kapaki-pakinabang na mga pamamaraan. Ang mga taong may malubhang pinsala ay nangangailangan ng paggamot ng mga espesyalista, ngunit ang mga pangunang lunas na nasa ibaba ay maaaring gawin habang naghihintay ng espesyalista.
Kung mayroong nawalan ng malay dahil sa pinsala sa ulo o iba pang dahilan, ang likod ng kanyang dila ay maaaring rumolyo papuntang lalamunan at makaharang sa lagusan ng hangin sa baga. Sa mga sitwasyong tulad nito, kailangan mong gumawa ng lagusan ng hangin papunta sa lalagukan. Ito ang tinatawag na paniniguradong bukas ang daanan ng hangin.
Siguraduhing bukas ang daanan ng hangin sa pamamagitan ng pagharap ng muka ng pasyente sa taas, pagpapatingala sa kanya, at pag-angat ng kanyang baba.
Habang sinisiguradong bukas ang daluyan ng hangin, laging itsek na ang bibig ay walang anumang bara, at tanggalin ang anumang bagay o plema.
●Patigilin ang pagdurugo
1.Direktang diinan ang mismong sugat sa pamamagitan ng gasa o ng malapad at makapal na panyo.
2.Kung ang pulso ang nagdurugo, epektibo ang pagtataas nito sa posisyong mas mataas sa puso at matapos nito ay ang pagdiin sa sugat.
1. Kung labis ang pagdurugong mula sa malalaking ugat, kasabay ng paglabas ng dugo sa pagpintig ng puso, ang direktang pagdidiin ay maaaring hindi maging sapat para matigil ang pagdurugo. Sa mga pagkakataong ito, idiin ang mga daliri sa malaking ugat sa posisyong mas malapit sa puso kaysa sa mismong sugat.
*Posisyon ng sugat at kung saan dapat maglagay ng diin | |
---|---|
![]() Kung nagdurugo ang mukha, diinan ang harap ng tainga. |
![]() Kung nagdurugo ang itaas na bahagi ng braso, diinan ang ilalim ng kilikili. |
![]() Kung nagdurugo ang ilalim ng siko, diinan ang loobang bahagi nito. |
![]() Kung nagdurugo ang binti, diinan ang itaas na bahagi ng hita. |
1.Mabilis na palamigan ang nasunog na parte sa pamamagitan ng malinis na tubig.
2.Bago tanggalin ang damit o medyas, palamigan muna ng tubig ang nasunog na bahagi. Pagkatapos ay balutin ang parteng iyon ng malinis na kumot at dalhin ang pasyente sa ospital. Kapag mas malaki sa 10% ng katawan ang nasunog, maituturing itong isang malubhang pinsala at kailangang gamutin agad ng doktor.
1.Kung mayroong kondisyong maaring maging banta sa buhay ng pasyente ay unahin ang pagbibigay-lunas dito.
2.Sa paglalagay ng balangkat, iayos ito sa paraang hindi nagagalaw ang luminsad na buto habang sinisigurong hindi nayuyugyog ang kanyang katawan.
3.Ilagay ang balangkat sa lapad na sumasakop sa mga kasukasuan sa itaas at ibaba ng pinaghihinalaang bali.
4.Kapag nakalabas ang nabaling buto, linisin muna ang sugat ng malinis na gasa at pagkatapos ay lagyan ito ng balangkat.
![]() Hawakan ang parteng lalagyan ng balangkat gamit ang karton, atbp. |
![]() Hawakan ang parteng lalagyan ng balangkat gamit ang mga bagay sa paligid. |
1.Una, patayin ang pinagmumulan ng kuryente. Gawin ang nararapat na aksyon - ang mabilis at hindi maingat na paglapit sa biktima upang ito ay tulungan ay maaaring maging sanhi ng pagkakuryente rin ng taong tumutulong.
2.Ilipat ang biktima sa isang ligtas na lugar.
3.Itsek ang kaniyang paghinga at pulso. Kung tumigil na sa paghinga ang biktima, kailangan itong lapatan ng cardio-pulmonary resuscitation (CPR) at maaari ring kailanganin ang heart massage.
4.Maaaring nasunog din ang damit ng biktima dulot ng kuryente, at ang mga pagkakasunog na ito ay kailangan ding pagtuunan ng pansin tulad ng iba pang pagkasunog.
1.Una, siguruhing bukas ang daanan ng hangin sa tamang paraan. Kung may bara ang lagusan ng hangin ay hindi magkakaroon ng epekto ang pag-ihip ng hangin.
2.Dahil maliit lamang ang mukha ng mga sanggol at maliliit na bata, umihip nang sakop ang pareho nilang bibig at ilong.
3.Umihip ng 12 - 15 beses sa loob ng isang minuto para sa mga matatanda at 15 - 18 beses sa loob ng isang minuto para sa maliliit na bata at mga sanggol.
4.Siguraduhing ang iniihip na hangin ay nakararating sa loob ng katawan ng pasyente at nailalabas din nang maayos sa pamamagitan ng pagtingin sa pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib. Sa pagkakataong ang tiyan ng pasyente ay lumaki matapos mong umihip ng hangin, dahan-dahan mo itong diinan ng iyong palad.
5.Kapag isinasagawa ang CPR, mayroong panganib na ang mga laman ng sikmura ay mapunta sa baga ng pasyente kapag ito ay diniinan kaya ibayong pag-iingat ang kailangan.
6.Kung hindi humihinga at walang pulso ang pasyente, kinakailangang bigyan siyang sabay ng CPR at heart massage.
![]() 1.Maupo malapit sa pasyente, siguraduhing bukas ang daanan ng hangin at pisilin ang ilong niya. |
![]() 2. Huminga ng malalim at ibuka ang bibig nang malaki, ipatong ito sa ibabaw ng bibig ng pasyente at sa paligid nito. Hipan ang bibig ng pasyente hanggang unti-unting tumaas ang dibdib nito. |
1.Dahil maliliit pa ang kanilang mga mukha, kailangang umihip sa parehong bibig at ilong nila nang sabay.
2.Ang iyong pag-ihip ay kailangang magpataas nang bahagya sa kanilang dibdib, at kailangan itong gawin nang mabilis, nang may isang ihip sa bawat tatlong segundo.
3.Ang malakas na pagtulak pataas sa ulo ng pasyente ay maaaring makahadlang sa maayos na paghinga ng pasyente sapagkat malambot pa ang mga buto sa leeg ng mga sanggol. Sa halip, gawin ang tulad ng nasa dayagram, itulak nang bahagya ang baba ng sanggol at isagawa ang artipisyal na pagpapahinga gamit ang dalawang kamay.
![]() |
Buhatin lamang ang pasyente kung maayos na ang kanilang pagkakapuwesto. |
![]() |
Gumawa ng stretcher sa pamamagitan ng pagtatali ng mga kamiseta at tsaleko. |
![]() |
Gumawa ng stretcher sa pamamagitan ng pagtatali ng dalawang upuan. |
Matapos ang lindol, ang inyong mga lokal na doktor ay agad na pupunta sa inyong lugar upang magbigay ng pangunang lunas.
Bilang | Pangalan | Tirahan | Numero ng Telepono (Lugar code:053) |
---|---|---|---|
Chūō-ku | Mababang Paaralan ng Sato | 2-32-1 Sato | (461)0379 |
Mababang Paaralan ng Aioi | 3-8-1 Mukojuku | (461)0830 | |
Mababang Paaralan ng Oiwake | 1-9-1 Nunohashi | (472)1281 | |
Mababang Paaralan ng Hirosawa | 2-51-1 Hirosawa | (454)8335 | |
Mababang Paaralan ng Nishi | 70-1 Kamoe-cho | (452)1171 | |
Mababang Paaralan ng Agatai | 2-5-1 Higashi Iba | (452)7505 | |
Mababang Paaralan ng Tomitsuka | 1803 Tomitsuka-cho | (471)0203 | |
Mababang Paaralan ng Hanakawa | 781 Hanakawa-cho | (436)1401 | |
Mababang Paaralan ng Ryuzenji | 844 Ryuzenji-cho | (452)0683 | |
Mababang Paaralan ng Sengen | 2-12-1 Nishi Asada | (441)1706 | |
Hamamatsu Chubu Gakuen | 108-1 Matsushirocho | (454)6406 | |
Mababang Paaralan ng Higashi | 2-1 Chuo-nichome | (452)3137 | |
(luma)Mababang Paaralan ng Kita | 192 Yamashita-cho | (473)2144 | |
Junior Hayskul ng Hikuma | 4-2-15 Hikuma | (461)9737 | |
Mababang Paaralan ng Hagioka | 5-12-1 Saiwai | (471)4246 | |
Mababang Paaralan ng Sanarudai | 3-31-1 Sanarudai | (448)6768 | |
Junior Hayskul ng Kaisei | 1-15-20 Takaoka Kita | (437)1421 | |
Mababang Paaralan ng Kaba | 5 Kodachi-cho | (461)2644 | |
Mababang Paaralan ng Wada | 273-2 Yakushi-cho | (421)0134 | |
Mababang Paaralan ng Nakanomachi | 427-1 Nakano-cho | (421)0059 | |
Mababang Paaralan ng Yoshin | 1351 Tenno-cho | (421)1542 | |
Junior Hayskul ng Kasai | 1055 Kasai-cho | (434)1079 | |
Mababang Paaralan ng Sekishi | 1497-1 Sekishi-cho | (434)0027 | |
Junior Hayskul ng Nakagori | 897 Nakagori-cho | (433)2717 | |
Pangunahing Kakuro | 3490 Kamigaya-cho | (485)8508 | |
Junior Hayskul ng Irino | 17059 Irino-cho | (447)1104 | |
Junior Hayskul ng Koto | 4540 Sahama-cho | (431)1114 | |
Mababang Paaralan ng Waji | 2005 Koto-cho | (486)0107 | |
Mababang Paaralan ng Shinohara | 10300 Shinohara-cho | (447)2009 | |
Mababang Paaralan ng Murakushi | 3187 Murakushi-cho | (489)2824 | |
Shonai Gakuen | 100 Shonai-cho | (487)0063 | |
Mababang Paaralan ng Maisaka | 76 Maisaka-cho Maisaka | (592)0144 | |
Sentrong Pangkultura ng Yuto | 5427 Yuto-cho Ubumi | (596)1100 | |
Mababang Paaralan ng Iida | 978 Iida-cho | (461)3740 | |
Mababang Paaralan ng Shirawaki | 431 Terawaki-cho | (441)0693 | |
Mababang Paaralan ng Kawawa | 333 Higashi-machi | (425)0036 | |
Mababang Paaralan ng Shinzu | 777 Nippashi-cho | (447)0044 | |
Junior Hayskul ng Nanyo | 80 Hogawa-cho | (461)2494 | |
Mababang Paaralan ng Sunaoka | 2512 Shirowa-cho2 | (441)3375 | |
Mababang Paaralan ng Kami | 1748 Wakabayashi-cho | (447)0043 | |
Mababang Paaralan ng Minami no Hoshi | 1148-1 Nishijima-cho | (425)6900 | |
Mababang Paaralan ng Mikatabara | 682 Mikatabara-cho | (436)6200 | |
Mababang Paaralan ng Toyooka | 22 Toyooka-cho | (436)1107 | |
Hamana-ku | Mababang Paaralan ng Miyakoda | 5609-2 Miyakoda-cho | (428)2004 |
Mababang Paaralan ng Kiga | 11529-1 Hosoe-cho Kiga | (523)0158 | |
Mababang Paaralan ng Iinoya | 680 Inasa-cho Iinoya | (542)0063 | |
Mababang Paaralan ng Okuyama | 1101-1 Inasa-cho Okuyama | (543)0310 | |
Klinika ng Shizutama | 219-5 Inasa-cho Bessho | (528)5800 | |
Mababang Paaralan ng Mikkabi Nishi | 301-1 Mikkabi-cho Mikkabi | (525)0047 | |
Mababang Paaralan ng Mikkabi Higashi | 2266-2 Mikkabi-cho Tsuzuki | (526)7034 | |
Sentro ng Kolaborasyong Pangkomunidad ng Mikkabi | 500-1 Mikkabi-cho Mikkabi | (524)1111 | |
Junior Hayskul ng Hamana | 467 Komatsu | (586)2321 | |
Junior Hayskul ng Kitahama | 279-2 Nishi Misono | (586)3101 | |
Junior Hayskul ng Kitahama Tobu | 317 Kamizenji | (586)3177 | |
Junior Hayskul ng Hamakita Hokubu | 2961 Oro | (588)7241 | |
Junior Hayskul ng Aratama | 4847 Miyaguchi | (589)8328 | |
Mababang Paaralan ng Uchino | 1702 Uchino | (586)4001 | |
Mababang Paaralan ng Kitahama Minami | 3010 Terajima | (586)1585 | |
Tenryu-ku | Mababang Paaralan ng Kunma | 2153 Kunma | (929)0151 |
Mababang Paaralan ng KamiAtago | 1318 Nishi Fujidaira | (928)0004 | |
Mababang Paaralan ng Futamata | 867-1 Futamata-cho Futamata | (925)4178 | |
Junior Hayskul ng Seiryu | 525 Futamata-cho Kajima | (926)3741 | |
Mababang Paaralan ng Komyo | 2550 Yamahigashi | (925)3032 | |
Mababang Paaralan ng Yokoyama | 547 Yokoyama-cho | (923)0073 | |
Mababang Paaralan ng Inui | 993-1 Haruno-cho Horinouchi | (985)0017 | |
Kumakiri Jichikaikan | 196-2 Haruno-cho Ishiuchi Matsushita | (986)0611 | |
(Dating)Mababang Paaralan ng Haruno Kita | 242-2 Haruno-cho Sugi | - | |
Junior Hayskul ng Haruno | 380-2 Haruno-cho Keta | (989)0023 | |
Klinika ng Urakawa, Ospital ng Sakuma | 2934-1 Sakuma-cho Urakawa | (967)3320 | |
Klinika ng Yamaka, Ospital ng Sakuma | 2421-2 Sakuma-cho Ooi | (964)0100 | |
Sentro ng Kolaborasyong Pangkomunidad ng Shironishi | 1528-4 Sakuma-cho Okuryoke | (987)0011 | |
Gymnasium ng Misakubo | 241-3 Misakubo-cho Jitougata | (982)0012 | |
Klinika ng Tatsuyama | 711-2 Tatsuyama-cho Tokura | (969)0034 |
Bilang | Pangalan ng Ospital | Tirahan | Numero ng Telepono (Lugar code:053) |
---|---|---|---|
1 | Ospital ng Ensyu | 1-1-1 Chuou, Chūō-ku | (453)1111 |
2 | Sentrong Medikal ng Hamamatsu | 328 Tomitsuka-cho, Chūō-ku | (453)7111 |
3 | Ospital Pangrehabilitasyon ng Lungsod ng Hamamatsu | 1327-1 Wago-cho, Chūō-ku | (471)8331 |
4 | Ospital ng Seirei Hamamatsu | 2-12-12 Sumiyoshi, Chūō-ku | (474)2222 |
5 | Unibersidad Pangmedisina ng Hamamatsu, Ospital ng Kagawaran ng Medisina | 1-20-1 Handayama, Chūō-ku | (435)2111 |
6 | Ospital ng Hamamatsu Rosai | 25 Shogen-cho, Chūō-ku | (462)1211 |
7 | Ospital ng Hamamatsu Kita | 1568 Ose-cho, Chūō-ku | (435)1111 |
8 | Ospital ng Matsuda | 753 Irino-cho, Chūō-ku | (448)5121 |
9 | Ospital ng Hamamatsu Minami | 26 Shirowa-cho, Chūō-ku | (442)6775 |
10 | Ospital ng Seirei Mikatahara | 3453 Mikatabara-cho, Kita-ku | (436)1251 |
11 | Ospital ng Red Cross sa Hamamatsu | 1088-1 Kobayashi, Hamana-ku | (443)2111 |
12 | Ospital ng Juzen Kinen | Komatsu1700, Hamana-ku | (586)1115 |
13 | Pambansang Organisasyon ng mga Ospital ng Tenryu | 4201-2 Oro, Tenryu-ku | (583)3111 |
14 | Ospital ng Sakuma | 18-5 Nakabe Sakuma, Tenryu-ku | (965)0054 |
15 | Ospital ng Suzukake | 120-1 Tajiri-cho, Chūō-ku | (443)0111 |