Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Pag-iwas sa Sakuna > Paghahanda sa pinakamasama.
ここから本文です。
Update date:June 20, 2022
Sa Great Hanshin-Awaji Earthquake, humigit-kumulang 4,000 katao ang namatay dahil sa pagkadurog dulot ng pagguho ng kanilang mga tahanan at sa ilalim ng mga kasangkapan. Ang Nankai Trough higanteng lindol ay sinasabing may malaking rolling motion na tumatagal ng dalawa hanggang tatlong minuto.
1.Tanggalin ang mga panganib sa paligid | Siguruhing nakaayos ang mga kasangkapan at kagamitan sa bahay | □ |
Iwasang mabasag ang mga salamin | □ | |
2.Paghahanda sa panahon ng kagipitan | Mga bagay na dapat dalhin sa panahon ng kagipitan | □ |
Pag-iingat para maiwasan ang sunog | □ | |
3.Maging pamilyar sa mga pamamaraan ng pagpapadala ng impormasyon sa lugar ng sakuna | Paano gamitin ang telepono | □ |
4.Maging pamilyar sa mga gawain ng grupo ng mga boluntaryo para sa pag-iwas sa sakuna | Lumahok sa mga gawain sa pag-iwas sa sakuna sa inyong lugar | □ |
Kahit ang inyong bahay ay hindi masira ng lindol, mayroong panganib na kayo ay masaktan ng mga nahuhulog na bagay, mga kasangkapang natutumba, o mga salaming nababasag. Upang mabawasan ang pinsala sa loob ng inyong bahay, siguraduhing nakaayos ang lahat ng mga kasangkapan.
* Kung nakatira ka sa isang nirerentahang bahay o apartment, siguruhing konsultahin muna ang may-ari bago gumawa ng kahit anong pagbabago.
・Ikabit ang pansabit nang pataas
・Ikabit ang pansabit palayo sa kawad
・Siguruhing matatag ang lagayan ng damit
・Hindi kakapit ng maayos ang pahalang na bastidor ng kwarto sa patayong bastidor ng kwarto kaya siguruhing maayos na nakadikit ito gamit ang bakal na fastening plates
・Bubukas ang nakabisagrang pinto ng paminggalan sa itaas ng kusina kapag ito ay punung-puno kaya lagyan ng bakal na aldaba.
・Lagyan ng balamban laban sa pagkabasag ang mga babasaging pinto
・Lagyan ng malambot na pantakip ang loob upang maiwasan ang pagdulas ng mga gamit
・Maglagay ng bareta sa unahan upang hindi dumausdos at malaglag ang mga gamit
Ang mga pridyeder ay karaniwang maayos na nakalagay sa isang lugar sa pamamagitan ng paglagay ng kulindang mula likod papasok sa mga hawakan nito. Sumangguni sa manwal ng paggamit para sa karagdagang detalye. Kung mayroong hindi malinaw sa iyo ay kumonsulta sa gumawa o sa tindahan kung saan binili ang pridyeder.
Maglagay ng pahalang na balamban and ilagay dito ang mga kagamitan.
* Sumangguni sa propesyonal na kompanya ng konstruksyon bago maglagay ng kahoy na balamban.
![]() Sapad na Metal na Pangkabit |
![]() Bakal na pangkabit na hugis L |
![]() Bakal na pangsabit |
![]() Alambre (nasa 1.1 mm kapal) |
![]() Bakal na tornilyo (Para sa mga muwebles nasa 75kg ang bigat, tornilyong 3.1mm x 20mm ang dapat gamitin) |
Ang paglapat ng shatterproof na pambalot sa salaming pambintana at sa mga babasaging bahagi ng muwebles ay epektibo sa pag-iwas ng pagkakatibo kapag nagkalindol. Isang pambalot na maaaring gamitin ng kahit sino.
Alalahanin kung sinu-sino kayo sa pamilya at ihanda ang mga kailangan sa panahon ng sakuna. Dapat lamang na inspeksyunin ito kahit isang beses isang taon.
■Basang tissue ■Pambalot (para sa pagkain) ■pandewang ■maskara ■supot
■bareta/gato ■bisikleta/motorsiklo ■tolda ■silbato ■mask ■Antiseptikong solusyon
■Pagkain at inuming handa na para sa sakuna
Pagkatapos ng lindol, kaunti na lang ang matitirang pagkain. Bawat pamilya ay dapat maghanda ng pagkain para sa panahong nangyayari ang lindol at sa oras na sila ay mailigtas.
●Pagkain・・・Maghanda ng pagkain para sa pitong araw (kasama na doon ang tatlong araw na karagdagan pang pagkain)
●Tubig na pang-inom・・・Maghanda ng 3 litrong tubig kada tao na tatagal ng kahit tatlong araw
●Portatil na palikuran・・・Paghandaan sa tantiyang gagamitin ito ng isang tao ng limang beses isang araw.
Kapag may nangyaring sakuna gaya ng lindol, may limitasyon kung gaano mo kakayanin at ng iyong pamilya. Mahalaga para sa mga kapitbahay na makipagtulungan sa bawat isa.
Sa partikular, nagsasagawa kami ng mga inspeksyon sa kaligtasan sa lugar, tinuturuan ang mga lokal na tao tungkol sa kaalaman at kasanayan sa pag-iwas sa kalamidad, at nagsasagawa ng mga pagsasanay sa pag-iwas sa kalamidad. Ito rin ay gumaganap ng isang napakahalagang papel sa kaganapan ng isang aktwal na lindol. Kung sakaling magkaroon ng sakuna, mangongolekta kami ng impormasyon tulad ng mga paunang aktibidad sa pamatay ng sunog, pagsagip / pagsagip sa mga biktima ng kalamidad, at kumpirmasyon sa kaligtasan. Bilang karagdagan, patakbuhin natin ang evacuation center sa pakikipagtulungan sa mga kawani ng lungsod at mga tagapamahala ng pasilidad.